Bayang magiliw,
Perlas ng Silanganan
alab ng puso,
sa dibdib mo'y buhay.
Lupang Hinirang,
duyan ka ng magiting,
sa manlulupig,
'di ka pasisiil.
Sa dagat at bundok,
sa simoy, at sa langit mong bughaw
may dilag ang tula
at awit sa paglayang minamahal.
Ang kislap ng watawat mo'y
tagumpay na nagniningning,
ang bituin at araw niya,
kailan pa ma'y 'di magdidilim,
Lupa ng araw, ng luwalhati't pagsinta,
Buhay ay langit sa piling mo.
Aming ligaya na pag may mang-aapi,
ang mamatay nang dahil sa 'yo.